Ni: Reggee Bonoan

NAGBABALAK na palang umalis ang dalawang co-host ng kilalang TV host dahil sa sobrang liit ng talent fee na ibinibigay sa kanila considering na sa national TV sila napapanood at kayod-kalabaw sila sa programa.

Kaswal na naikuwento sa amin ng mga kaibigan ng dalawang co-host ng TV show na nanliliit sila sa talent fee na natatanggap nila dahil kulang pa raw na pambayad ng make-up artist at pamasahe sa Uber/Grab tuwing mare-report sila sa show.

“Halos sila ang bumubuhay sa show kaya bentang-benta ang show. Tawa lang nang tawa si _____ (kilalang TV host) dahil sa banter ng co-hosts niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nu’ng sinabi nga sa amin kung magkano ang bayad sa kanila per show, na-shock kami, hindi mo mabubuhay ang sarili mo sa isang araw,” kuwento ng mga kaibigan ng dalawang co-host.

Okay na raw sana kung mababa ang show basta’t may extra income o puwede silang rumaket kapag walang show o tapings, kaso ipinagbawal din dahil baka raw ‘yung ginagawa ng dalawang co-host sa show ay magawa rin sa iba nilang paggi-guest-an.

“Ano ‘yun, bawal lahat? Wala naman silang kontrata,” sabi pa sa amin.

Sabagay, naging saksi na rin kami kung gaano kahigpit ang kilalang TV host sa staff niya na bawal rumaket kahit na wala silang show at higit sa lahat, mas gusto nitong kumuha ng OJT mula sa ibang schools o kaya fresh graduate para puwedeng suwelduhan ng mababa.