Ni: Light A. Nolasco

SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Pitong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Purok 7, Barangay Sto. Cristo sa San Antonio, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Marlon Cudal, hepe ng San Antonio Police, ang biktimang si Apolinar Wycoco Santos, 48, ng Bgy. Bagong Sicat, Cabaio, at kaanak ni ex-NBI Director Reynaldo Wycoco.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong 9:45 ng gabi at minamaneho ni Santos ang motorsiklong Enduro (BC-18500) nang pagbabarilin siya ng mga salarin na sumunod sa kanya.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Alitan sa negosyo ang sinisilip na motibo sa krimen.