Ni ADOR SALUTA

INAABANGAN ng madlang pipol kung ano ang Darna costume na isusuot ni Liza Soberano sa bagong reincarnation ng well-loved Pinay superhero, ang nakaugaliang Darna costume o sexy at two-piece?

LIZA copy copy

Knowing na kahit laking-U.S. ay may pagka-conservative si Liza, ia-adjust ba sa kanyang personality ang Darna costume?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Of course, whatever is approved by the management, ‘yun po ang susuotin ko. But if I were to choose, anything naman, actually, as long as I’m prepared for it,” bungad ni Liza nang makapanayam ng mga reporter sa media launch sa kanya bilang endorser ng MegaProPlus and MegaSound Karaoke System.

Payag din siyang magsuot ng two-piece?

“Okay lang po, basta prepared ako, hindi ‘yung bibiglain ako na, ‘O, isuot mo ’to’,” pabirong sagot ng dalaga.

Ang pagsusuot ba niya ng two-piece ay indication ng kanyang pagma-mature?

“Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year, so I think it’s about time.”

Hindi pa alam ni Liza kung sinu-sino ang makakasama niya sa Darna movie ng Star Cinema pati na ang gaganap bilang Ding at Valentina.

“I actually don’t have any idea on who will be with me on the movie, so far. I can’t think of anyone actually at the top of my mind to play Valentina because wala, eh, I don’t know who could possibly do it. I don’t know talaga, wala po akong idea,” pahayag ni Liza.

Napapabalitang si Anne Curtis ang gaganap na Valentina.

“Oh, I love Ate Anne, I would like to work with Ate Anne. Yeah, of course, but it all depends on who they want to portray as Valentina,” masayang sabi ni Liza.

Ibinalita rin niya na tuluy-tuloy na ang training niya bilang paghahanda sa shooting at nakausap na rin niya si Direk Erik Matti.

“Nakipag-meeting na po ako sa kanya and they had me do like a physical test in front of them, siyempre, para makita kung gaano rin po ako kalakas. And so based on what I did in front of them, nakita po nila kung ano ‘yung mga kailangan ko.

“So, right now, I’m working out for Sir Bok Santos at the gym, nagpapalakas po para sa mga stunt. And I’m also doing cardio, I run every Sunday,” pagtatapos ng itinuturing na pinakamagandang young actress ngayon sa Philippine cinema.