Ni NITZ MIRALLES
GOOD vibes ang hatid ng picture na magkakasama ang pamilya nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa isang restaurant noong Father’s Day. Pinagsama ng dalawa ang kani-kaniyang pamilya para isahan na lang Father’s Day celebration nila.
Kasama ni Dennis ang buong pamilya niya pati ang anak na si Calix, pero parang wala sa picture ang ama na siya yatang kumuha ng litrato. Kasama naman ni Jennylyn ang amang si Noli Pineda at ang anak na si Jazz.
May picture pa sina Dennis, ang amang si Abelardo Ho, si Noli at sina Jazz at Calix. Si Jennylyn na lang ang kulang sa picture at kumpleto na sana. Sa picture na ito, baka si Jen naman ang kumuha.
Hindi ito ang first time na pagsasama-sama ng pamilya ng dalawa, ang last time ay last Christmas.
Hindi naka-post sa social media accounts nina Dennis at Jennylyn ang Father’s Day celebration nila kaya hindi masasabing para ‘yun sa promotion ng shows nila sa GMA-7.
Samantala, kontrabida pa rin ang karakter ni Dennis sa Mulawin vs Ravena at may eksenang papatayin sana niya si Almiro (Derrick Monasterio), pero sinalag si Alwina (Heart Evangelista) kaya ito ang nasaksak.
Sabagay, ang pagiging gray ng karakter ni Gabriel na ang isa sa mga nagustuhan ni Dennis kaya tinanggap ang Mulawin vs Ravena. Bida-kontrabida siya rito, pero sa ngayon, ang pagiging kontrabida muna ang napapanood sa kanya.