Gilas Pilipinas, nalo sa Romania; olats sa France sa World 3x3.

NANTES, FRANCE – Nagawang ibagsak ng Gilas Pilipinas ang Romania, ngunit bigong matibag ang host France para mahati ang unang dalawang laro sa FIBA 3x3 World Cup nitong Lunes dito.

Untitled-1 copy copy

Mataas ang morale ng Pinoy cagers na sina NCAA Division 1 player Kobe Paras, collegiate standout Kiefer Ravena at pro JR Quinmahan nang gapiin ang sevent-seed na Romania, 22-11, sa unang laro sa Group B.

BALITAkutan

Sa halip na maitaboy: Dalawang matandang multo, 'di natakot sa dasal?

Hataw si Paras, dating miyembro ng UCLA sa US NCAA, sa naiskor na 14 puntos para sandigan ang malaking panalo laban sa Romanian –isa sa pinakamalaking upset sa liga.

Ang Pinoy ay seeded 18th sa 20 koponan na sumasabak sa pinakabagong Olympic sports.

Ngunit, laban sa crowd-favorite Les Bleus, hindi nakaligtas ang Pinoy, 22-11, para mahati ang kampanya sa unang dalawang laro. Nalimitahan ng depensa ng France ang 6-foot-6 na si Paras sa tatlong puntos.

Nakopo ng France ang ikalawang panalo at pangunguna sa Group B matapos lampasuhin ang El Salvador, 21-5.

Balik aksiyon ang Team Philippines ngayon laban sa second-seed Slovenia at El Salvador. Nasa ikalawang puwesto sa Group B ang Slovenia tangan din ang 2-0 karta nang magwagi sa El Salvador, 21-16, at Romania, 21-12.

Batay sa format, ang mangungunang dalawang koponan sa bawat grupo at makakausad sa quarterfinal stage ng liga.