Ni: Jun N. Aguirre

BORACAY ISLAND - Umabot na sa 55 residente ng Marawi City sa Lanao del Sur ang dumating sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan para maiwasan ang krisis sa lungsod.

Ayon kay Senior Insp. Mark Gesulga, hepe ng Boracay Police, Hunyo 4 pa nila sinimulan ang profiling process sa nasabing bilang ng evacuees.

Isinasailalim ang evacuees sa profiling upang matiyak na hindi terorista ang mga lumikas sa isla.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasabay nito, tiniyak ni Gesulga na patuloy ang paghihigpit nila sa seguridad sa Boracay katuwang ang Muslim community sa isla.