Ni: Antonio L. Colina IV

DAVAO CITY – Nais ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na tigilan na ng New People’s Army (NPA) ang opensiba nito laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagpahayag ng kagustuhang talakayin ang “ceasefire” at pagtutulungan laban sa Maute Group sa Marawi City.

Sa pahayag na inilabas nitong Biyernes, sinabi ni NDFP Chairman Fidel V. Agcaoili na inirekomenda niya sa Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagpapahinto sa mga opensiba ng NPA laban sa militar, ngunit panatilihin ang defensive operations kontra Maute, Abu Sayyaf, at Ansar Al Khilafah Philippines (AKP).

“For all forces to be able to concentrate against Maute, Abu Sayyaf and AKP groups, the NDFP has recommended to the CPP to order all other NPA units in Mindanao to refrain from carrying out offensive operations against the Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP), provided that the GRP order the AFP and PNP likewise to refrain from carrying out offensive operations against the NPA and people’s militia,” ani Agcaoili.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Aniya, inatasan na ng NDFP ang Moro Resistance and Liberation Organization (MRLO) sa loob ng Marawi City na akuin ang trabaho sa depensa habang itinatalaga ng CPP ang ilang unit ng NPA malapit sa Marawi City “for the purpose of mopping up, holding and blocking operations, if necessary.”

Sinabi rin niyang handa ang NDFP na talakayin ang tigil-putukan sa gobyerno at kung paano ang pagtutulungan para tuluyan nang malipol ang mga terorista sa Marawi.

Iginiit ni Agcaoili na suportado ng NDFP ang gobyerno sa mga pagsisikap nito laban sa terorismo.

“We condemn and are resolved and determined to counteract the Maute, Abu Sayyaf and Ansar Al Khilafah Philippines (AKP) groups which are wreaking havoc in Marawi City. These are terrorist groups linked to local reactionary forces, affiliated with ISIS and supported by US-CIA and other foreign entities,” aniya.