Ni: Jun N. Aguirre

BORACAY ISLAND - Sugatan ang paa ng tatlong lalaki matapos na aksidenteng pumutok ang shotgun ng isang guwardiya sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang mga biktimang sina Carlo Poral, John Vic Onao, at Romnick Villasis, 28, na aksidenteng nabaril ni Jason Blas, 21, security guard, at tubong Barbaza, Antique.

Base sa imbestigasyon ng Boracay Police, nagkukuwentuhan ang suspek at mga biktima at ipinagmamalaki ni Blas na katatapos lang niya ng training kaya inilabas at ikinasa niya ang kanyang shotgun pero aksidenteng pumutok ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinamaan sa paa ang tatlo at kaagad na dinala sa ospital sa Boracay para gamutin. Ooperahan naman si Villasis dahil seryoso ang tinamo niyang sugat.

Kusa namang sumuko sa awtoridad si Blas at hindi pa mabatid kung kakasuhan siya ng tatlong kaibigan.