Ni: Mina Navarro

Nakapag-remit ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa Bureau of Treasury ng P410.636 milyon sa mga bayad na nakolekta ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) noong 2016.

Iniulat ni DOLE Financial and Management Service (FMS) Director Warren Miclat, na ang ini-remit na pondo ay kumakatawan sa labis o sobrang bayad na nakolekta at interes na kinita ng 26 na POLO noong nakaraang taon.

“This year’s remittance to the BTr, which comprises of 2016 collections, is higher by P65.07 million compared to last year’s remittance, containing collections for 2015, which only amounted to P345.563 million,” pahayag ni Miclat.
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji