Ni: Liezle Basa Iñigo

INFANTA, Pangasinan - Limang mangingisda ang inaresto kahapon ng mga operatiba ng Infanta Police at mga tauhan ng Bantay Dagat dahil sa umano’y ilegal na pangingisda sa silangang bahagi ng Isla Balaki Municipal Sea sa Infanta, Pangasinan.

Kinilala ni Senior Insp. Manuel Garcia, Jr., OIC ng Infanta Police, ang mga nadakip na sina Rogelio B. Muega Jr.; Ceferino Valdez Jr., ng Barangay Bolitoc, Sta. Cruz; Daniel Ecaldre, ng Bgy. Almasin, Sta. Cruz; Raymund Montehermoso; at Rogel Mesia, ng Bgy. Pagatpat, Sta. Cruz, Zambales.

Dakong 1:30 ng umaga kahapon nang maharang ang lima habang sakay sa isang motorized banca at nangingisda, at kinumpiska ang kanilang compressor equipment at ilang kilo ng huling isda.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay