PANGUNGUNAHAN nina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ng Ateneo at Mika Reyes ng La Salle ang Philippine women’s volleyball team na isasabak sa Southeast Asian Games sa Agosto.

Sa opisyal na mensahe ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) sa Philippine Sports Commission (PSC), kabilang din sa 12-man line-up sina Denden Lazaro, Kim Fajardo, Rhea Dimculangan, Maika Ortiz, Gen Casugod, Aby Marano, Jovelyn Gonzaga, Aiza Maizo-Pontillas, Jaja Santiago at Ces Molina.

Sina Rachel Anne Daquis at Dawn Macandili ang reserves sa koponan na mamanduhan ni Francis Vicente. Targer ng Pinay belles na malagpasan ang nakadidismayang ikalimang puwesto na nakamit ng Pilipinas sa 2015 Singapore edition.

Binubuo naman ang men’s side nina team captain Johnvic de Guzman, Ranran Abdilla, Mark Alfafara, Relan Taneo, Geuel Asia, Bryan Bagunas, Alden Cabaron, Reyson Fuentes, Bonjomar Castel, Herschel Ramos, Jack Kalingking at Greg Dolor.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sina John Carascal at Peterr Quiel ang reserve player.