Ni: Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Inabutan at naaresto ng mga tumugis na residente ang dalawang umano’y holdaper makaraang matanggal ang kadena ng sinasakyan nilang motorsiklo habang tumatakas sa Maharlika Highway sa Barangay Malimba, Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, naholdap ang mag-inang Crislyn Quizon Pascual, 35; at anak niyang 12-anyos, kapwa taga-San Miguel, Bulacan, at natangayan ng tatlong cell phone at mga gintong alahas na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P30,000.

Hindi na nakatakas sa pagdakip ng mga residente nitong Hunyo 11 sina Jomar Francisco Ramos, alyas “Momay”; at Jeffrey Tadeo Pecaya, alyas “Epie”, kapwa residente ng Bgy. Mangga, San Isidro, Nueva Ecija.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog