volley copy

Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Fil-Oil Flying V Center)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

6 m.g. – Balipure vs Pocari Sweats

SA ikatlong sunod na pagkakataon, magtutunggali ang Pocari Sweat at BaliPure ngayong gabi sa inaasahang matinding pagtatapos ng kanilang finals series para sa Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Ganap na 6:00 ng gabi ang winner- take- all Game 3 na idaraos sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Umabot ang laban sa hangganan nang makabawi ang Water Defenders mula sa 22-25, 25-22, 25-22, 26-24 kabiguan sa Lady Warriors noong Game 1 sa pamamagitan ng 25-15, 26-24, 24-26, 24-26, 15-13 panalo sa Game 2 nitong Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sino ang higit na naghahangad ng panalo ang inaasahang mananaig sa duwelo ng Pocari Sweat na gustong maging 3-of-3 sa kanilang tatlong finals stints at ng Balipure na target naman ang una nilang kampeonato sa longest-running women’s volley league ng bansa.

“We have that tendency to struggle closing out a set,” ani BaliPure coach Roger Gorayeb. “We’re up by two sets in Game Two and we lost the third and fourth. In the fifth, I was at a loss as to what should be done. It was tough.”

Matinding bakbakan ang inaasahan sa pagitan nina Michelle Strizak at Krystal Rivers ng Lady Warriors at nina Jang Bualee at Jennifer Keddy ng BaliPure.

Ngunit malaking bagay din kung paano silang susuportahan ng kanilang mga local teammates na sina Myla Pablo, Jessey de Leon, Jeanette Panaga, Cai Nepomuceno ,Desiree Dadang, Melissa Gohing at Gyzelle S6 para sa Pocari kontra kina Grethcel Soltones, Risa Sato, Jerrili Malabanan, Aiko Urdas ,Macy Mendiola , Lizlee Ann Pantone at Jasmine Naive ng Balipure.