Ni; Bert De Guzman

Tukuyin, tugisin at panagutin ang mga indibidwal na nagpopondo sa gawain ng teroristang Maute Group.

Ito ang iginiit ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa imbestigasyon sa P79 milyong cash at tseke na nasamsam ng mga tropa ng gobyerno sa bahay na inabandona ng mga terorista sa Marawi City.

Ayon kay Nograles, may-akda ng Republic Act 10168 (Terrorism Financing Prevention and Suppression Act), may posibilidad na ang nasabing pera ay bahagi ng “financing network” ng mga teroristang grupo sa Mindanao na nakipag-alyansa sa Islamic States (ISIS).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji