Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Tatlong bomba ng patubig ang tinangay ng hindi pa nakikilalang mga kawatan sa Barangay Parang sa Concepcion, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

Sa report ni Mario Ysais, chairman ng Bgy. Sta. Monica, ang mga biktima ay kinilalang sina Rose Villa Romero, 21, may-ari ng Changgong water pump na nagkakahalaga ng P15,000; Salvador Piccio, 49, may-ari ng Kingston air-cool water pump na aabot sa P5,000 ang halaga; at Vic Laroco, 48, may asawa, na natangayan ng P5,000 halaga ng bombang patubig, pawang residente sa nasabing barangay.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon