Inaasahang iikli na ang pila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagpuwesto ng 37 bagong immigration officers (IO) ng Bureau of Immigration.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsimula nang magtrabaho ang mga bagong IO sa tatlong terminal ng NAIA nitong linggo para palakasin ang puwersa ng kawanihan.

Naging kontrobersiyal ang ilang buwan na mahahabang pila ng mga pasahero sa immigration counter ng NAIA nang magbitiw o maghain ng indefinite leave ang maraming IO dahil sa hindi pagbayad sa kanilang overtime.

Sinabi ni Morente na mareresolba na ang kakulangan ng tao sa NAIA at iba pang paliparan sa pagkuha nila ng 200 bagong IO.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We have started the process of selecting these new personnel by administering written tests and interviewing thousands of applicants who hail from different places, including the Visayas and Mindanao,” ani Morente.

(Mina Navarro)