MIAMI (AP) – Inaresto ng mga awtoridad ng U.S. si dating Panamanian president Ricardo Martinelli na may extradition warrant mula sa kanyang bansa.

Sinabi ni U.S. Marshals Service spokesman Manny Puri na si Martinelli ay dinampot sa kanyang bahay sa Coral Gables, Florida nitong Lunes ng gabi at nakakulong ngayon sa federal detention center sa Miami. Inaakusahan siya ng katiwalian at paniniktik sa mga kalaban sa Panama. Haharap si Martinelli sa hukom para sa extradition hearing.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'