Jolo at Jodi copy

OKAY na raw at nag-uusap na ulit ang ex-lovers na sina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Matatandaan na napabalitang hiwalay na ang dalawa na ang sinasabing dahilan ay ang hindi pa rin napapawalang-bisa ng kasal ni Jodi kay Pampi Lacson na ikinainip na raw ni Jolo.

As of now ay nasa Supreme Court na ang papeles at hopefully ay mapawalang bisa na ito para maging malaya nang tuluyan ang aktres.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Tinanong namin ang aming source kung nagkabalikan na sina Jodi at Jolo, “getting there,” ang sagot sa amin.

Hmmm, hindi kaya ang dahilan ng sobrang pagpayat ni Jodi ay ang paghihiwalay nila ni Jolo kamakailan? Bukod pa sa isinubsob ang sarili sa workout at trabaho para makalimot.

Anyway, natutuwa rin kami dahil super close to the max sina Jodi at ang girlfriend ngayon ni Pampi na si Iwa Moto (may anak silang si Mimi).

Alam naming matagal nang in good terms sina Jodi at Iwa, pero hindi namin alam kung hanggang saan ‘yung closeness nila.

Kuwento pa ng aming source, nahihiram pa nga raw ni Jodi si Mimi bukod pa sa nakita rin silang magkakasamang kumakain at masaya sa company ng bawat isa.

At lahat ng events sa school ni Thirdy ay suportado ni Iwa kasama pa ang anak na si Mimi.

Post ni Iwa, “iam_iwaKuya muy’s cheering squad. Hihi. Congrats to his entire team for winning the game today.

May IG post din si Jodi, “Happy to be able to show our love and support to our dearest Muyski (Thirdy).

Congratulations La Salle for winning the semis. Pray for us as we go against another team on Sunday for the finals.

The boys were great. So proud of you Muy. So proud of Team La Salle! Animo! Thanks madam @iam_iwa for the photo.

‘Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, and it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres. Love never fails.” 1 Corinthians 13:4-8. (Reggee Bonoan)