Sa pagpapatuloy ng operasyon kontra ilegal na aktibidad, inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang siyam na drug suspect, isang wanted at isa pang sangkot sa pagnanakaw sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, idiniretso sa Masambong Police Station (PS 2), sa ilalim ni Police Supt. Igmedio Bernaldez, sina Kurt Peralta, 21, ng Barangay Paraiso, at Jolan Marcelo, 24, ng Caloocan City matapos umanong mahuli sa shabu session sa No. 20, Riverside Compound, Bgy. Paraiso.

Kapwa sila nakuhanan ng isang pakete ng umano’y shabu at drug paraphernalia nang kapkapan.

Inaresto naman ng mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS-3), sa ilalim ni Police Supt. Danilo Mendoza, sina Eric Empi, 36, at Angelo Labasan, 44, kapwa ng Bgy. Baesa, sa Sitio Pajo, Bgy. Baesa, dakong 6:30 ng gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay nag-ugat nang makita umanong nag-abot ng isang pakete ng umano’y shabu si Empi kay Labasan sa kasagsagan ng pagpapatrulya ng awtoridad. Nakuha mula kay Empi ang tatlong pakete ng umano’y shabu habang isang pakete naman at aluminum foil strip ang nakuha mula kay Labasan.

Hindi naman nakaligtas sa mga galamay ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4), sa ilalim ni Police Supt. April Mark Young, si Richard Mark Patotoy, 22, ng Bgy. Gulod, Novaliches, bandang 8:00 ng umaga, matapos umanong magnakaw ng mga water valve, na nagkakahalaga ng P17,550, sa MGTE marketing sa No. 13, King George St., Kingspoint Subdivision, Bgy. Bagbag, Novaliches. Kinasuhan si Patotay ng qualified theft.

Pinagdadampot naman ng Fairview Police Station (PS-5) operatives, sa ilalim ni Police Supt. Bobby Glenn Ganipac, sina Roberto Sibuyo, 37, at Aurelia San Miguel, 38, sa kanilang bahay sa Blk 5, Lot 5, Verbena St., Bsgy. Greater Fairview, sa ikinasang Oplan Galugad, dakong 12:20 ng umaga.

Isang bukas na pakete ng umano’y shabu ang nakuha mula kay San Miguel habang isang aluminum foil na may bakas ng hinihinalang shabu at isang lighter ang nakuha mula kay Sibuyo.

Hindi rin nakaligtas sa Project 4 Police Station (PS-8) operatives, sa ilalim ni Police Supt. Ariel Capocao, sina Matthew Galvez, 24, Glen Bumanglag, 40, kapwa ng Bgy. Marilag, Project 4, at kabilang sa drug watch list ng PS-8; Romeo Mafe, Jr., 32, ng Bgy. Amihan, Project 3, sa buy-bust sa kahabaan ng J.P Rizal St., malapit sa cor. A. Luna St., Bgy. Marilag, Project 4, dakong 1:00 ng umaga.

Nakuha mula kay Romeo ang tatlong pakete ng umano’y shabu, isang pakete kay Bumanglag, at dalawa mula kay Mafe kabilang ang buy-bust money.

Samantala, sa joint operation ng PS-4 personnel at ng Negros Occidental Provincial Office (NOCPPO-PRO18) officers, sa pamumuno ni Police Supt Crecensiano Cordero, Jr., inaresto sina Valentine Villamor, 75, ng Bgy. San Miguel, La Carlota City, Negros Occidental, sa pamamagitan ng warrant of arrest para sa kasong rape (8 counts).

Kinasuhan ang mga drug suspect ng paglabag sa R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

(Francis T. Wakefield)