Bea copy copy

PAGKAGALING sa kanilang successful Kapuso Mall Show sa Lucena City, Quezon, lilipad naman ang ilang bida ng Mulawin vs Ravena sa Bacolod, Negros Occidental bukas upang makisaya sa Charter Day celebration ng Silay City.

Pakikiligin ng Kapuso stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix ang kanilang fans sa Kapuso Fiesta na gaganapin sa Public Plaza ng Silay City ngayong Lunes. Makakasama nila ang My Love From The Star actor at tubong Bacolod at Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer bilang host ng kanilang live show.

Sa Mulawin vs Ravena, ginagampanan ni Bea si Anya, ang anak ni Aviona at si Derrick naman ay si Almiro, ang anak nina Aguiluz at Alwina na nakatakdang mamuno ng Avila. Ginagampanan naman ni Kiko si Rafael, ang best friend ni Almiro.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Binibigyang-buhay naman ni Bianca si Lawiswis, isang Avian na mamahalin ni Pagaspas na ginagampanang muli ni Miguel.

Si Migo naman si Yuan, ang kapatid ng karakter ni Jennylyn Mercado na si Steffi Chavez sa My Love From The Star.

Taong 2015 nang tanghaling Ultimate Male Survivor si Migo sa artista search na Starstruck. Ikinatuwa ito nang husto ng kanyang mga kababayan sa Bacolod na nagpakita ng kanilang suporta para sa Kapuso actor.