BALETE, Batangas – Patay ang isang alkalde matapos barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang nanonood ng liga ng basketball sa Balete, Batangas.

Dead on arrival sa Metro Lipa Medical Center si Leovino Hidalgo, incumbent mayor ng Balete.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office (BPPO) director, Senior Supt. Richard Peralta, dakong 10:30 ng umaga nang pagbabarilin ang alkalde sa Barangay Poblacion.

Nanonood ng liga ng basketball na inisporan ng lokal na pamahalaan si Hidalgo nang barilin siya sa ulo.

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Tumakas ang mga suspek sakay sa puting van patungo sa direksiyon ng Lipa City.

Nakarekober ang pulisya ng basyo ng bala ng M-16 rifle sa lugar ng krimen.

Nagsasagawa ng Oplan Kalasag ang pulisya para matugis ang mga suspek habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon.

Magtatalaga rin ng Special Investigation Task Group (SITG) ang BPPO para sa masusing imbestigasyon sa pamamalaslang kay Peralta. (LYKA MANALO)