DIRETSONG sinagot ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida ang tsismis na nagkaroon sila ng relasyon ni Willie Revillame bilang co-host nito sa game show ng GMA-7.

Kaagad itong pinabulaanan ni Ariella sa ginanap na media launch sa kanya bilang brand ambassadress ng CosmoSkin Grapeseed Extract (GSE) at FiberMaxx Daily Fiber Supplement ng Bargn.

“Grabe naman! Wow, hindi naman! Kuya nga ang tawag sa kanya, di ba?” natawang sabi ng dalaga na umaming may non-showbiz boyfriend.

Balitang binigyan siya ng mamahaling bag ni Willie na mahilig naman daw talagang mamigay at hindi naman itinanggi ng dalaga na kasama ang iba pang co-hosts ay nabigyan din siya ng Louie Vuitton.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero sa tsikang may Hermes bag ay, “Sana nga, di ba, may pa-Hermes. Ano naman, hindi lang sa akin, sa lahat sa amin.

Kasi si Kuya (Willie), kapag natutuwa siya, halimbawa, okey ang mga ginagawa namin, performance, basta napi-feel niya, parang pinaka-bonus niya sa amin.

“Pero hindi lang ako, lahat kami, and mostly mas masaya buong staff, isinasama niya. aAno lang naman, mga free shopping, ganu’n. Si Hermes, naghihintay pa, pero hindi ko alam kung kanino. Ang alam ko kasi, si Kuya, mahilig siya mamili ng ganoon, inireregalo niya sa mga friends niya.”

Sa balita na posibleng sa Pilipinas uli ganapin ang 66th Miss Universe, ang reaksiyon niya, “Of course, I’m excited.

Ang feeling ko kasi, that’s why they’re doing it again here, parang natuwa talaga ang Miss Universe Organization sa welcome ng Filipinos sa pageant. And I think they really had an impact worldwide kaya feeling ko, they really want it here again.”

Ano ang advise niya kay 2017 Miss Universe-Philippines na si Rachel Peters?

“Like what I’ m telling before kay Maxine Medina, na sabi ko huwag siyang kabahan. Actually, it’s her advantage, kasi siyempre ‘yung cheer pa lang ng mga Pilipino will motivate her, the same way for Rachel, kaya excited din ako.”

Samantala, ayon sa may-ari ng Bargn na sina Nino Bautista at John Redentor Gatus, Jr., kinuha nilang ambassadress ng CosmoSkin Grapeseed Extract (GSE) at FiberMaxx Daily Fiber Supplement si Ariella dahil perfect sa kanya ang produkto.

“Sa pamamagitan ng CosmoSkin Grapeseed Extract, nagbibigay ang Bargn ng definitive na solusyon sa common skin ailment na kung tawagin ay melasma, na isang kondisyon na lumilikha ng maiitim na patches sa balat na karaniwang matatagpuan sa pisngi, ilong, labi, and noo, at apektado dito ang halos 90% ng mga kababaihan sa buong mundo.

“Pinapalala ang kondisyon na ito ng sun exposure, at dahil dito ang mga kababaihan na mayroong active at outdoorsy lifestyles ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng dark pigments ikumpara sa iba,” paliwanag ni Nino Bautista.

Simulang itatag nina Nino at John noong 2006 ang Bargn ay mabilis silang naging pangunahing integrated neutraceutical, beauty, at vitamin company dito sa Pilipinas at malakas din ang sales nila sa sampung iba’t iba pang bansa sa buong mundo.

“Mahalaga para sa akin na fit ang aking katawan,” sabi naman ni Ariella. “Sa aking schedule, lagi kong sinisiguro na may oras akong tumakbo at lumangoy at isa ito sa mga dahilan kung bakit balanse ang aking buhay. Pero siyempre, apektado rin ang aking balat dahil sa mga ang mga activities na ito. Wala namang immune sa sun exposure, at hindi sapat ang sunscreen lamang.”

Nais namang i-promote ni Ariella ang FiberMaxx para sa good digestive health, tulungan ang lahat na pabaain ang cholesterol at fats, at para tulungan din ang lahat na i-maintain ang malusog na sugar levels.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @cosmoskin sa Twitter at Instagram, i-like ang FiberMaxx Fan Page sa Facebook, sundan ang @fibermaxx sa Twitter at Instagram, at bisitahin ang www.cosmo-skin.com. (Reggee Bonoan)