Pinayuhan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang mga deboto na huwag itapon ang mga nabasag na imahe ng mga santo, kundi ibaon ang mga ito sa lupa.

“Kapag sira ng ganun, ibaon sa lupa. Huwag itatapon sa basurahan. Kapag ang imahen ay sira na wala na rin ang bendisyon sa imahen,” aniya.

Sinabi rin ni Cruz na hindi lamang terorista kundi kulto rin ang Maute Group na nanira ng mga santo sa isang simbahan sa Marawi City.

“Something is wrong with Maute, pagkat hindi lamang sila terorista kundi yun pala ay ‘cultist’. Ang ibig sabihin nun ang kanilang paniniwala ay iba sa panahon,” pahayag ni Cruz, sa panayam ng Radio Veritas. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya