Untitled-1 copy copy

NBA title, babawiin ng Warriors; kasaysayan iuukit.

CLEVELAND (AP) — Isang hakbang na lamang ang layo ng Golden State Warriors sa inaabangang koronasyon.

Hindi bilang NBA champion, kundi sa trono bilang ‘greatest team’ sa kasaysayan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Tatangkain nina Kevin Durant, Stephen Curry at ng buong tropa ng Warriors na makumpleto ang pagsirit sa tugatog ng tagumpay bilang natatanging koponan na walang dungis sa kabuuan ng postseason sa NBA o anumang major sports sa mundo.

Nagawa nilang maisakatuparan ang noo’y imposibleng kaganapan nang gapiin ang Cleveland Cavaliers sa matikas na come-from-behind 118-113 panalo sa Game 3 ng NBA best-of-seven finals.

Tangan ng Warriors ang kahanga-hangang 15-0 at maitatarak ang kasaysayan bilang unang koponan na may imakuladang marka sa postseason sa panalo sa Game 4 Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila).

Kung idudugtong ang markang 73 panalo sa nakalipas na regular season at ikalawang titulo sa loob ng tatlong taon – mistulang three-peat – walang dahilan para maisantabi ang dominasyon ng Warriors.

Sa kabila ng presensiya ni LeBron James – itinuturin ng marami na pinakamahusay na player sa kasalukuyan – walang magawa ang Cavaliers para sabayan ang ngitngit ng Warriors. Ang tanging maihahambing sa Golden States ay ang tambalan nina Shaquille O’Neal at Kobe Bryant, ang Bulls at si Michael Jordan, gayundin ang iba pang natatanging koponan na nauna sa kanila.

Ngunit, walang makapapantay sa dominasyon ng Warriors sa kasalukuyan dulot ng apat na All-Stars – kabilang ang dalawang dating MVP – na pawang nasa kanilang kalakasan.

Wala pang 30 sina Curry at Durant, habang parehong 28-anyos sina Kyle Thompson at Draymond Green. Sa nakalipas na dalawang buwan, tinatambakan nila ang mga karibal at sa gipit na sitwasyon nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), nagawa nilang maghabol at manalo.

Hindi maikakaila na marami ang sasalungat sa kadakilaan ng Warriors, ngunit mismong si James ay sampalataya sa kahusayan ng karibal.

“It’s probably the most, most firepower I’ve played in my career,” pahayag ni James. “I played against some great teams, but I don’t think no team has had this type of firepower. So even when you’re playing well, you got to play like A-plus plus, because they’re going to make runs and they’re going to make shots and they got guys that’s going to make plays.”

Ang kasalukuyan marka sa best postseason run ay 15-1 ng Lakers noong 2001 habang nagkampeon ang 1983 Philadelphia 76ers sa 12-1 at ang 1991 Bulls ni Jordan ay kumana ng 15-2.

“We obviously know how hard it is to win a championship, what all goes into it and how important each game is. And now that you can look ahead to Friday, all our focus is on that,” sambit ni Curry.

“And just we obviously — we want 16 wins; it doesn’t matter how we get there. But now that we’re in this situation, why not take care of business and finish the job?”

Para sa dating coach at ngayo’y sports analyst ng ABC na si Jeff Van Gundy, nasa tamang landas ang Warriors para makalikha ng dynasty.

“Just the combination of offense and defense, the talent that they’ve been able to amass, it puts them in position where this is a dynasty to me,” aniya.

“They have their youth, they have their health. I see nothing preventing them from going to eight to 10 straight Finals. It will be a massive upset, I think, if they’re not there each and every year.”