ANG ganda ng mood namin nitong nakaraang Martes ng gabi dahil papunta kami sa media launch ng La Luna Sangre, ang much-awaited teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Dolphy Theater.

At dahil hindi namin nakasabay ang kasama naming pumasok sa valet parking ng ELJ Building, inabangan namin siya sa entrance gate katapat ng McDonald’s.

Nakapasok na ang kasama namin at kasalukuyang tsine-check ang dala niyang bag ng security officer ng ABS-CBN nang biglang sumingit ang baguhang young star na walang sabi-sabing inilapag ang bag kasama ang nanay niya at hindi man lang nag-excuse o nagpasintabi sa taong nauna sa kanya sa pila. (Sana may CCTV sa puwesto para may ebidensiya.)

Nagulat din ang dalawang security officer sa inasal ng baguhang young star na kasama ang nanay at sinabi na lang ng kasama namin na, ‘paunahin mo na siya.’

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Nadismaya kami sa inasal ng baguhang young star dahil hindi namin inaasahan na ganoon ang ugali niya. Napakaganda pa naman ng kanyang mukha pero pangbruha pala ang asal.

Bigla tuloy nag-flashback ang kuwento sa amin ng mga kasamahan ng baguhang youngstar at ng mga staff ng programa nakadiskubre sa kanya na hindi nga raw maganda ang attitude nito.

“May attitude ‘yan, ‘te. Sobra, feeling magaling at maganda, hindi marunong makisama. Kaya nga tuwang-tuwa kami nu’ng natalo, eh.”

Mabuti na lang maganda talaga ang mood namin nang mga oras na ‘yun kaya hindi na lang kami nagkomento nu’ng dumaan siya sa harapan namin. Pero markado na siya sa amin.

Curious tuloy kami kung ano ang project niya sa ABS-CBN dahil aabangan namin.

Isa siyang perfect example ng wala pang napapatunayan o pangalan sa showbiz pero feeling superstar na ang asal. E, di mas lalo pa siguro kapag sumikat siya nang husto, di ba, Bossing DMB?

(Aba’y kung sisikat nga. –DMB) (Reggee Bonoan)