GRABE na ito. Nakapagretiro na ako bilang “full-time” reporter at news editor bago ko nalaman na may tanggapan pala na ang trabaho ay pangalagaan ang kapakanan nating mga mamimili upang ‘di maagrabyado ng mga magkakumpetensiyang kumpanya.

Ang tinutukoy ko ay ang Philippine Competition Commission (PCC), isang “independent quasi-judicial body” na itinadhana ng batas na ipatupad ang Republic Act No. 10667 na mas kilala sa tawag na “Philippine Competition Act,” ang batas na nagbibigay-proteksiyon sa mga mamimili sa pamamagitan ng “promoting and protecting competitive markets” ng mga kumpanyang magkakalaban sa negosyo.

Tama ang nasa isip ninyo – siguradong gaya ko, ang pumasok agad sa isip ninyo ay ang pang-aagrabyadong dinaranas natin sa mga magkalabang telephone company (Telco) para magamit natin ang mga gadget na umaalipin na yata sa atin – ang “Internet connection!”

Ito kasi ang sistema ngayon – habang lunod na tayo sa mga problemang drop calls, mahina at napakabagal na signal, “unli” raw pero biglang bumabagal kapag nagamit mo na ang 750 MB data, bukod pa rito ‘yung napakataas na singil – ang inaasikaso ng mga naturingan nating kakampi para maibsan ang sakit ng ulo ay tila nag-aaway-away, hindi magkasundu-sundo kung kanino ibibigay ang kontrobersiyal na 700 megahertz radio frequencies na pinag-aagawan ng Globe at Smart-PLDT matapos pakawalan ng San Miguel Corporation (SMC).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang mga ahensiyang dapat na kakampi natin dito ay ang PCC, Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC)…pero anyare? Sila pa ang nagdedemandahan at naglalaban-laban para lamang mapigilan na mapunta kung kanino man sa mga “Telco” na ito ang pinag-aagawang radio frequency – habang tayong mga “consumer” ay nagdurusa, nagtitiyaga sa usad-pagong na Internet connection, na itinuturing na isa sa pinakamabagal na “data connection” sa buong mundo.

Ang pinupunto kasi rito ng PCC ay mamamatay ang masiglang kompetisyon sa pagitan ng mga Telco kapag napunta lang sa ito sa kamay ng PLDT-SMART at Globe, kaya pilit nitong ipinatitigil ang huling bahagi ng bentahan ng pinag-aagawang 700 megahertz radio frequency. Nauna na kasi itong nadesisyunan ng NTC noong Mayo 2016 na ipinagamit ito sa dalawang Telcos na agad namang nag-anunsiyo na magbubuhos ng bilyones para mapabilis ang kanilang serbisyo. Ayon sa NTC, siguradong ang mga “consumer” ang makikinabang dito…Isang taon na ito, may naramdaman na ba kayo? Ako wala pa rin!

Ayon naman sa PLDT-SMART, ewan ko kung buladas lang ito, bumilis ang kanilang mobile Internet na nag-aaverage ng 13.9 mbps – WOW, totoo ba ito?! Mas mabilis pa kaysa Australia at Japan na nagrehistro lang ng 12.8 at 11.6 mbps? Bakit parang ‘di namin ito nararamdaman mga SIR?!

Ayon sa ilang nakakaintindi sa isyu, mas sa malamang daw na lumala ang kurapsiyon sa “business deal” na ito kapag ipinagpilitan naman ng PCC na ipatigil sa mga Telco ang huling bahagi ng bilihan ng binitiwang radio frequency.

Ipabalik na lang daw sana ito sa SMC para magkaroon ng competition at baka sakaling magmura, kahit konti, ang “data connection”.

Sa inyo namang mga kakampi naming taga-PCC, NTC at DICT – ang gulu-gulo naman ninyo. Simple lang naman ang kailangan naming mamimili o mga alipin ng “data connection” at “internet service” – ibigay naman ninyo sa amin ang makatarungang serbisyo kapalit ng malaking halagang ginugugol namin para itaguyod ang mga negosyo ng mga Telco na tila kayo pa yata ang mga abogado!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)