ISA na lang para sa Colegio de San Lorenzo-V Hotel.

Nalusutan ng CdSL-V Hotel ang kapwa matikas na Diliman College-JPA Freight Logistics, 62-55, sa isang makapigil-hiningang sagupaan at lumapit sa inaasam na seven-game sweep sa 2017 MBL Open basketball championship sa PNP Sports Center sa Camp Crame

Nanguna sina Soulemane Chabi Yo at Dominic Formento para sa Griffins, nakatitiyak na tatabla sa unang dalawang puwesto at outright semis berth sa kanilang ika-anim na dikit na panalo sa kompetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Gerry’s Grill at Ironcon Builders

Si Chabi Yo, ang 6-6 standout mula sa French-speaking West African nation na Benin, ay umiskor ng 10 sa kanyang game-high 21 puntos sa payoff period para sa Griffins nina CdSL president Monneth Balgan at sports parron Jimi Lim.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Formento ng 14 puntos, kabilang ang dalawang nakapanglulumong triple sa fourth period para tuluyang daigin ang Dragons ni coach Rensy Bajar.

Ang Diliman import na si Alex Diakhite ay nakipagtagisan ng husto kay Chabi Yo sa kanyang 19 puntos sa kabila ng maagang foul trouble.

Nagpakitang gilas si Diakhite sa second quarter, kung saan tumirada siya ng siyam na puntos para sa MBR Sports-supported Dragons nina former Sen. Nikki Coseteng at businessman-sportsman Jerry Alday.

Sa unang laro, bumangon mula 19-point na pagkabaon ang Philippine National Police upang gulatin ang Wang’s Ballclub, 75-72, at itala ang unang panalo sa anim na laro.

Umiskor si Ricardo Cabrera ng 13 sa kanyang team-high 18 puntos sa final period para pamunuan ang nakabibilib na comeback ng Responders.

Nakatulong din sina Julius Criste, Rolando Abaya, Japeth Cabahug, Abul Khair Bayabao at Harold Sta. Cruz para sa PNP, nagpakitang gilas, 33-11, sa fourth quarter.

Iskor:

(Unang laro)

PNP (75) – Cabrera 18, Criste 17, Abaya 9, Cabahug 8, Bayabao 7, Sta. Cruz 6, Alejandro 4, Nicolas 3, Gonzales 2, Onguran 1.

Wang’s-AsiaTech (72) – Thomas 17, Importante 11, Sorela 8, King 6, Ambulodto 6, Montemayor 6, Arambulo 4, Riley 4, Habelito 4, De Chavez 3, Asuncion 3.

Quarterscores: 19-27, 30-42, 42-61, 75-72

(Ikalawang laro)

CdSL-V Hotel (62) -- Chabi Yo 21, Formento 14, Baldevia 9, Rosas 8, Laman 4, Gabriel 2, Alvarado 2, Castanares 2, Vargas 0, De la Cruz 0.

Diliman-JPA (55) - Diakhite 19, Torrado 8, Gerero 7, Angeles 5, Antalan 5, Regencia 4, Brutas 3, Chavenia 2, Salazar 2, Tay 0.

Quarterscores: 12-8, 27-27, 40-37, 62-55