France Tennis French Open

PARIS (AP) — Sa isang iglap, isang ganap na Grand Slam semifinalist si Jelena Ostapenko.

Pinahanga ni Ostapenko, 19-anyos na unseeded mula sa Latvia, ang crowd sa impresibong 4-6, 6-2, 6-2 panalo kontra sa dating world No.1 Caroline Wozniacki, 4-6, 6-2, 6-2 nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa inulan na French Open.

“I mean, of course, when I came here, I didn’t expect I’m going to be in the semis, but I was playing better and better every match,” pahayag ng 47th-ranked na si Ostapenko.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“So I think if I keep it up, I think anything can happen.”

Walang katiyakan kung sino ang kokoronahang reyna ngayong season matapos ang pagkawala nina Serena Williams (nabuntis), Maria Sharapova (hindi binigyan ng wild card bunsod ng doping suspension) at Victoria Azarenka (bagong panganak), gayundin ang maagang pagkasibak nina No. 1 Angelique Kerber at defending champion Garbine Muguruza.

Ito ang unang pagkakataon sa major event mula noong 1979 Australian Open na walang dating Grand Slam champion na nakapasok sa women’s quarterfinas.

Tatangkain ni Ostapenko na makalaro sa Finals sa pakikipagharap kay 30th-seeded Timea Bacsinszky ng Switzerland, nagwagi kontra 13th-seeded Kristina Mladenovic ng France 6-4, 6-4, sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

“Lucky her, she’s way younger than I am,” sambit ng 28-anyos na si Bacsinszky. “But maybe lucky me, experience-wise.”

Hindi pa nakapanalo ng titulo sa Tour si Ostapenko.

Sa nakalipas na taon, natalo si Ostapenko sa first round ng French Open. Noong 2015, nabigo siya sa first round ng qualifying.

Si Ostapenko ang pinakabatang player na umusad sa French Open semifinals sa nakalipas na isang dekada.

“We had all the seasons rolled into one today.We had a hurricane, a sandstorm, and we almost had snow, too,” pahayag ni Bacsinszky.