LOS ANGELES (Reuters) – Hindi gaanong kilala ang U.S. pop star na si Ariana Grande ng matatanda sa Britain bago naganap ang suicide bomb attack na pumatay ng 22 katao sa kanyang konsiyerto sa Manchester nitong Mayo, ngunit ngayon ay isa na siyang national heroine pagkatapos ng emosyonal na televised benefit performance.
Ilang araw araw pagkatapos ng sold-out show ni Ariana nitong Linggo, na lumikom ng $3 milyon para mga biktima, ang naging most-watched TV broadcast of the year sa UK, ay minahal ng mga Briton ang 23-year-old singer. Nanawagan pa sila upang pormal siyang parangalan ni Queen Elizabeth II at ng lungsod ng Manchester.
Sa One Love Manchester concert, niyakap ni Ariana ang umiiyak na mga babaeng estudyante habang itinatanghal ang kanyang sikat na awiting My Everything sa harapan ng 55,000 katao.
Tinapos ng tiny performer ang show na mag-isa sa entablado, at luhaang inawit ang Somewhere Over The Rainbow.
Kasalukuyang inaayos ng kanyang team ang paglabas ng emotional final number bilang single upang lumikom ng karagdagang pera para sa mga biktima, iniulat ng pahayagang Independent ng UK nitong Martes.
Ang concert ay nagsilbing catharsis para sa mga mamamayan ng Manchester at ng buong Britain, at nagbunsod sa British tabloid journalist na si Piers Morgan para sumulat ng mahabang public apology kay Ariana na pinandudahan niya ang katapangan.
“By coming back to Manchester so soon, shrugging off the latest attack in London, standing on that stage and performing with such raw emotion and power, you showed more guts, resilience, strength of character and ‘Blitz spirit’ than every sniveling, pathetic ISIS coward put together,” saad ni Morgan sa kanyang sinulat sa Daily Mail.
Mismong si Ariana ay survivor ng pambobomba noong Mayo 22, nasa loob pa siya ng Manchester Arena nang sumabog ang bomba sa lobby area pagkatapos ng kanyang huling kanta. Binatikos ni Morgan si Ariana sa kaagad nitong pag-uwi sa Florida sa halip na makiramay sa mga biktima.
Ngunit pagkaraan lamang ng ilang araw, sinimulan ni Ariana at ng kanyang team ang pag-oorganisa ng benefit concert, na nalagpasan ang logistical at security obstacles para maidaos halos dalawang linggo pagkatapos ng insidente. Ilang araw bago ginanap ang show, sorpresang nagbalik si Ariana sa Manchester-area hospital para bisitahin ang mga batang babae na nasugatan sa pag-atake.
Itinuloy ni Ariana ang palabas nitong Linggo sa kabila ng pag-atake sa London Bridge sa bisperas nito na ikinamatay ng pito katao. Kasama niyang nagtanghal sina Justin Bieber, Katy Perry, Coldplay, The Black Eyed Peas, at Oasis frontman at Manchester native na si Liam Gallagher.
Humingi rin ng paumanhin ang kolumnista ng Daily Telegraph na si Victoria Lambert sa pangmamaliit kay Ariana, na unang nakilala sa Nickelodeon teen comedy na Victorious, bilang lightweight pop star na hindi dapat maging huwaran ng kanyang anak na babae.
“Because far from being a cliched child star, Grande has shown herself to be a perfect role model for our daughters after all,” sulat ni Lambert. (Reuters)