Todo ang suporta kay Pangulong Duterte ng mga kongresista mula sa Mindanao kaugnay ng pagdedeklara niya ng batas militar sa rehiyon.
Ayon sa 62-miyembro ng Mindanao Bloc, mahalagang hakbangin ito upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng bawat Pilipino laban sa mga terorista.
Matatandaang Mayo 23 nang magdeklara ng batas militar sa Mindanao si Pangulong Duterte ilang oras makaraang salakayin at kubkubin ng mga terorista ng Maute Group ang Marawi City sa Lanap del Sur. (Bert de Guzman)