Dumating kahapon sa bansa ang kabuuang 165 distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Saudi Arabia na kabilang sa mga nawalan ng trabaho dahil sa Saudization program doon dahil sa krisis sa langis, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa ulat ng OWWA, dakong 7:35 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Philippine Airlines flight PR 663 ng 50 OFW mula sa Jeddah.

Bandang 3:00 ng hapon naman dumating sa NAIA Terminal 3 ang 115 OFW mula sa Riyadh, sakay ng Cebu Pacific flight 5J741. (Bella Gamotea)
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji