SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Isang 36-anyos na lalaki ang inaresto sa umano’y pagnanakaw ng kahun-kahong sigarilyo mula sa bodega ng isang negosyante sa D. Los Santos Street, Barangay Poblacion East, Science City of Muñoz, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng Science City of Muñoz Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang suspek na si Wilson Posadas Lazaro, may asawa, residente sa nasabing lugar.

Nabatid na dakong 7:00 ng umaga nang i-report sa pulisya ni Analie Yanday Victorio, 55, negosyante, ng Purok I, Bgy. Catalanacan, ang pagkawala ng pitong kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P218,000 mula sa kanilang bodega.

Sa pagsisiyasat, itinuro ng isang saksi ang suspek na si Fernando Banayad Marcelo, residente sa lugar, at sinabing dakong 5:00 ng umaga nang nakita umano ng saksi ang sinasabing pagtangay ni Marcelo sa kahun-kahong sigarilyo, na tatlong kahon lamang ang nabawi sa suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?