Pocari Sweat's Myla Pablo at Desiree Dadang  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Pocari Sweat's Myla Pablo at Desiree Dadang (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

NAUNGUSAN ng defending champion Pocari Sweat ang Perlas, 25-23, 25-15, 25-18, para makopo ang nalalabing semifinals slot sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Huwebes ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Nanguna si American import Michelle Strizak sa Pocari Sweat sa nakubrang 17 puntos at pitong digs, habang kumana si Cai Nepomuceno ng 12 marker at tumipa si Myla Pablo ng walong puntos.

Nasungkit ng Lady Warriors ang No. 3 spot, habang nasa No.4 ang Creamline, nagwagi sa Air Force sa unang laro, , 25-16, 26-24, 25-17.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magsisimula ang semis match ngayon.

Nanguna si Brazilian import Rupia Inck sa Perlas na may 14 puntos.

Sinandigan ng three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ang Creamline sa nakubrang 19 puntos, habang kumana si Thai import Kuttika Kaewpin ng 17 puntos. - Marivic Awitan