Curry, pinayuhan ang Warriors na iwasang mag-focus sa isyu.

OAKLAND, Calif. (AP) — Maganda ang simula ng Golden State sa NBA ‘trilogy’ kontra Cleveland. Ngunit, sakaling nakalilimot ang Warriors – bilang lider – kailangan niyang paalalahanan ang Warriors at klaro ang kanyang mensahe:

Magpakatotoo tayo.

Kalimutan ang bidahan para sa nilulutong istorya o ang isyu nang pagkabalahaw mula sa 3-1 bentahe sa nakalipas na Finals. Isantabi ang usapin ng hidwaan, trilogy o Part III. Maglaro lang ng tama.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At tila umayon ang tadhana sa kanyang pahayag sa unang pagkakataon nang tambalan nila ni Kevin Durant sa Finals.

Pangkaraniwan na ang dominasyon sa character ni Durant kahit nasa kampo siya ng Thunder, at maagang nakuha ni Curry ang mahika sa kanyang long-range shooting.

Ang resulta: maagang paglipol sa Cavaliers.

Nagtumpok ng pinagsamang 66 puntos at 18 assist ang dalawa sa 113-91 panalo ng Warriors sa Game 1 nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) at kailangan ng Cavaliers na makalikha ng panaggalang upang mapigilan ang dalawa sa pagpalo ng Game 2 ng best-of-seven title series sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Oracle Arena.

“We were really, really good in that department at just being ourselves, playing Warriors basketball, knowing that there’s a lot of talent out on the floor,” pahayag ni Curry, kumubra ng 28 puntos at 10 assist.

“And that’s our best effort to win this championship, is just be ourselves.”

Natigagal din ang Cavs sa all-around game ni Durant.

“We have to stop the ball first and foremost,” sambit ni Cleveland forward Kevin Love, humugot ng franchise opostseason record 21 rebound.

Hindi lamang ang opensa ang kailangang malimitahan ng Cavs kundi maging ang kanilang turnover. Nagtamo ang Cleveland ng 20 turnover.

“I know we’ll play better come Sunday,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue.

“But we have to take away the easy baskets. We did a poor job of taking care of the basketball and they were able to get out in transition and get easy baskets.”

Iginiit niyang walang pagbabago sa starting lineup, ngunit inaasahan niyang mas magiging mabilis ang desisyon ng Cavs dahil ang pag-aalinlangan ang dahilan ng turnover.

“We have to just do a better job of being direct with what we want to do. We can’t be caught in between. That’s when turnovers happen. We have to be aggressive getting to the basket or making the right passes and right play. We can’t play in between,” aniya.