BINMALEY, Pangasinan – Naaresto ng pulisya ang isang barangay kagawad na Army reservist dahil sa pag-iingat nito ng ilegal na baril at bala sa bahay nito sa Barangay Amancoro sa Binmaley, Pangasinan.

Kakasuhan ng illegal possession of firearms si Edward Mararac, 48, kagawad ng Bgy. Amancoro, at reservist ng 104th Community Defense Center ng Camp Andres Malong sa Bgy. San Isidro Norte, Binmaley.

Nakorner si Mararac dakong 5:30 ng umaga kahapon sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Ellen Aguilar, ng Regional Trial Court, Branch 70 sa Burgos, Pangasinan.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .38 caliber Smith & Wesson na may apat na bala, bukod pa sa apat pang bala ng nasabing baril. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog