Ang pagkain ng maraming red meat ay iniuugnay sa pagtaas ng panganib na mamamatay sa walong karaniwang sakit gaya ng cancer, diabetes, heart disease, at iba pa na nagiging sanhi ng pagkamatay, ayon sa isang bagong pag-aaral sa U.S.
Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang data ng 537,000 matatanda na nasa edad 50 hanggang 71 at natuklasan na ang mga taong kumakain ng pinakamaraming karne ay mas mataas ng 26 na porsiyento ang posibilidad sa kamatayan kumpara sa mga taong kakaunti lamang ang kinakain, na namamamatay sa iba’t ibang sakit.
Ngunit ang mga taong kumakain maraming white meat, kabilang na ang manok at isda, ay 25 porsiyentong mas mababa ang posibilidad na mamatay sa lahat ng kadahilanan habang isinasagawa ang pag-aaral kaysa mga taong kakaunti lamang ang kinakain, saad pa sa ulat ng mga mananaliksik sa The BMJ.
“Our findings confirm previous reports on the associations between red meat and premature death, and it is also large enough to show similar associations across nine different causes of death,” sabi ng lead study author na si Arash Etemadi ng National Cancer Institute.
“We also found that for the same total meat intake, people who reported a diet with a higher proportion of white meat had lower premature mortality rates,” sabi ni Etemadi sa ipinadalang email.
Para sa pag-aaral, sinundan ng mga mananaliksik ang kalusugan at eating habits ng mga tao mula sa anim na estado ng U.S. at dalawang metropolitan areas sa loob ng 16 na taon. Pinag-aralan nila ang survey data sa total meat intake gayundin ang pagkonsumo ng processed at unprocessed red meat at white meat. Ang red meat ay kinabilangan ng karne, lamb at baboy, habang ang white meat ay manok, turkey at isda.
Pagkatapos nito ay hinati ng mga mananaliksik ang mga tao sa limang grupo mula sa pinakakaunti hanggang sa pinakamarami ang kinakaing red at white meat upang makita kung paano nito naaapektuhan ang posibilidad ng kamatayan sa panahon ng pag-aaral.
Sinuri nila ang mga dahilan ng pagkamatay kabilang ang siyam na kondisyon – ang cancer, heart diseases, stroke at cerebrovascular disease, respiratory diseases, diabetes, infections, Alzheimer’s disease, kidney disease at chronic liver disease, gayundin ang iba pang dahilan.
Sa kabuuan, 128,524 katao ang namatay sa cancer, heart disease, respiratory disease at stroke -- ang mga pangunahing dahilan ng pagkamatay. Tanging ang Alzheimer’s disease risk ang hindi iniugnay sa pagkain ng red meat.
“The really key issue in all this is that the current level of meat consumption, in most of the developed world and increasingly in low- and middle-income countries, is unprecedented in human history,” sabi ni Dr. John Potter of the Center for Public Health Research sa Massey University in Wellington, New Zealand. “We need to reduce meat consumption back to about one-tenth of our current level.” (Reuters)