Nasa maayos nang kondisyon ang isang 84 anyos na babae na tinamaan ng ligaw na bala sa buy-bust operation sa Quezon City, habang arestado ang dalawang babae na umano’y tulak ng ilegal na droga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang biktima na si Macarias Manoos, ng St. James Street, San Pedro 7 Subdivision, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Inaresto naman sina Teresa Gallano, 24, ng Feliciano St., Maligaya Park, Quezon City, at Melissa Tullao, 29, San Jose Patags, Bgy. Gulod Sta. Maria Bulacan.

Base sa ulat, dakong 6:45 ng gabi kamakalawa ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek sa harap ng SM Novaliches.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kasagsagan ng transaksiyon ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang bumibili ng shabu kaya tumakbo ang mga ito at nagkapalitan ng bala hanggang sa tinamaan ang biktima. (Jun Fabon)