SAN LUIS, Aurora – Nasawi ang isang truck helper habang malubha namang nasaktan ang kasamahan niyang driver makaraang tumagilid sa bangin ang sinasakyan nilang 10-wheeler delivery truck sa Sitio Binla sa Barangay Detike sa San Luis, Aurora, ayon sa naantalang ulat ng pulisya.

Kaagad na namatay si Virgilio Santos, ng Bocaue, Bulacan habang sugatan naman ang truck driver na si Marvin Asuncion, 41, ng Gerona, Tarlac, makaraan silang maipit sa biglang pagtagilid ng truck sa gilid ng bangin.

Sa ulat ng San Luis Police, galing sa Bulacan ang truck at magde-deliver sana sa mga bayan ng San Luis at Baler nang mawalan ito ng preno sa kabundukan ng Sierra Madre, at dahil sa bigat ay tumagilid. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog