DAVAO CITY – Sa kabila ng ideneklarang 60 araw na batas military, umapela si City Tourism Office (CTO) head Generose Tecson sa national organizing committee (NOC) ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ituloy ang dalawang ASEAN meeting sa susunod na buwan sa Davao City.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Tecson na ang dalawang ASEAN meeting ay dadaluhan ng 1,000 partisipante, kabilang ang nangungunang opisyal ng 10 member states ng ASEAN.

Ang ASEAN ay binubuo ng Thailand, Vietnam, Indonesia, Singapore, Malaysia, Myanmar, Cambodia, Laos, Brunei, at Philippines.

Hinimok niya ang ASEAN-NOC na huwag ikansela ang dalawang event sa Davao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Para bumalik ang trust sana huwag nang tanggalin and same with national agencies, if you have conventions here in the city, it’s okay to rebook or postpone to a later date, you push through your events here because you know how we are here. They should know from their local offices, support us here,” aniya.

Siniguro niya na nananatiling ligtas at handa ang bansa sa pagho-host ng ASEAN event. (Antonio L. Colina IV)