Nasabat ng pulisya ang nasa 77 katao at nakakumpiska ng halos P1 milyon halaga ng droga sa One Time Big Time operation ng Cebu City Police Office (CCPO) nitong Martes ng gabi.

Sabay-sabay na nagsagawa ng operasyon ang 11 himpilan ng Cebu City Police, at 77 katao ang nahuli.

Sa nasabing bilang, 60 ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng bawal na gamot.

Samantala ang iba naman ay nasangkot na sa kaso ng ilegal na droga at ilegal na pagdadala ng baril.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nasabat din sa nasabing operasyon ang aabot sa 276 na gramo ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P976,000.

Nakumpiska rin ng pulisya ang P3,000 na pinaniniwalaang kinita sa pagbebenta ng droga, at iba’t ibang kalibre ng baril.

Ipaghaharap ng mga kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) laban sa mga suspek. (Fer Taboy)