Mark Pele Jolina copy

NAGPAHAYAG si Jolina Magdangal-Escueta na limang anak o mahigit pa ang gusto niya nang humarap sa press sa launching ng bagong endorsement ng pamilya niya -- with husband Mark Escueta and their unico hijo na si Pele.

Second year na nila bilang endorser ng produkto ng Megasoft. Noong unang taon, inendorso nila ang Super Twins premium baby diapers, nang two years old pa lamang si Pele. Pero ngayong three years old na ang anak, ini-endorse na nila ang New Super Twins easy wear baby pants.

“Itong bagong ini-endorse namin, nakakatuwa dahil si Pele, kaya na niyang isuot itong easy wear baby pants na hindi na namin siya tinutulungan,” kuwento ni Jolens. “Nakakatuwa na noon pa ay napansin ko nang observant si Pele sa mga ginagawa namin para sa kanya, iyong mga words or phrases na sinasabi niya, nagugulat din kami. Mahilig din siyang kumanta kahit tono lang at wala pang words, na ikinatutuwa namin ni Mark.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

“Kung saan-saan na rin siya naglalaro, takbo nang takbo, talon nang talon, kaya tamang-tama sa kanya ang bago niyang ini-endorse. At thankful kami sa Megasoft at sa management dahil patuloy ang pagtitiwala nila sa aming mag-anak.”

Grateful din si Ms. Aileen Choi-Go, VP for marketing ng Megasoft Hygienic Products, Inc. sa mga Escueta, dahil hindi raw sila nahirapang kausapin as endorsers kaya tuluy-tuloy sila sa pag-produce ng products na bagay kay Pele at sa mga kaedad nito. Inaamin ni Aileen maging noon pa man na forever favorite actress-singer niya si Jolina kahit nag-asawa at may anak na ito ngayon.

Doon na nga natanong ang mag-asawang Mark at Jolina kung kailan nila susundan si Pele.

“Gusto na namin siya talagang sundan, ayaw ko namang masyadong malayo ang gap ng susunod niyang kapatid. Gusto ko nga na magkaanak pa kami ng hanggang five or more, gusto ko kasi malaki ang pamilya namin. Gusto ko iyong masaya ang bahay namin, kaya sana makaya ito ng katawan ko. Tatlo lang kasi kaming magkakapatid, si Mark naman four din lang sila sa family. Kung p’wede nga ang twin ang susunod naming maging anak ni Mark, kaya lang walang twin sa both family namin.”

Hindi rin tumatanggi sina Jolina at Mark na mag-promote ng iniendorso nilang produkto sa mall shows. Paano iyon, iniiwan ba nila si Pele sa bahay o nagdi-date ba sila na hindi kasama ang anak?

“Isinasama namin si Pele sa shows namin. Hands-on kami ni Mark sa pag-aalaga sa kanya, pero may kasama kaming helper na mag-aasikaso sa gamit niya, pero palitan kami ni Mark sa pag-aalaga sa kanya. Kahit sa mga taping ko, kasama ko sila, kung friendly ang location, okey lang pero kung hindi naman, si Mark ang nag-aalaga sa kanya.”

“Kapag may personal occasions naman, like Valentine’s Day, kasama pa rin namin si Pele, hindi lang kami sumasabay sa celebration para hindi masyadong maraming tao,” kuwento ni Mark. “Basta, hindi namin iniiwang mag-isa si Pele. At nagagawa namin iyon, sa tulong na rin ng mga taong nasa paligid namin, tulad ng aming Super Twins family, kaya maraming-maraming salamat sa inyo.” (NORA CALDERON)