puerto copy

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan -- Tinanghal na kampeon sina Ivan Kristoffer Aurelio at Samantha Borlain sa swimming competitions ng 2017 Pilipinas International Beach Sports Festival sa kaaya-ayang Baywalk ng lungsod.

Naitala ni Aurelio ang tyempong isang oras, 10 minuto at 38 segundo upang madomina ang men’s 5k competition ng torneo na itinataguyod ng Puerto City government, sa pangunguna ni Mayor Luis Marcaida III.

Pumangalawa si Jose Diego Ogsimer (1:19.41) kasunod si Fredrich Martin Regalo (1:19.50).

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Namayani naman si Borlain, nagmula sa pamilya ng mga sikat na triathletes, laban kina Loren Dave Echavez at Jan Mari Abad sa women’s category.

Naisumite ni Borlain, ang 15-anyos na anak ni dating Mr. Universe Ringo Borlain, ang tyempong 1:10.35 laban kina Echavez (1:16.58) at Abad (1:20.00).

Tinanghal na kampeon sina Kurt Mikael Bucasas at Tara Borlain sa 2.5-km boys and girls class.

Nakisosyo sa podium sina Rogel Aboratique at Jaye Dignadice ( 500-m boys/girls, 11-13 years old); at Alexander Austria at Francheska Berlain (500-m boys/girls 10 years old and under).

Buong kasiyahang iginawad ni Mayor Marcaida ang mga medalya sa mga nagwaging swimmers sa kompetisyon na inorganisa ni dating water polo player Dale Evangelista at sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).