BATANGAS CITY - Dead on arrival sa ospital ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang kanyang pasahero matapos silang salpukin ng kasalubong na mini dump truck sa Batangas City.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Rey Bolaquiña, habang nasugatan ang pasahero niyang si Lucia Bolaquiña, 63 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), tanghali nitong Sabado at binabagtas ng tricycle ang kalsada ng Barangay Ambulong nang salpukin ito ng Mitsubishi Canter (WKQ-741) na minamaneho ni Sammy Rodriguez, 24 anyos.

Nabatid sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela si Rodriguez nang pumalya ang kambiyo ng truck, napunta siya sa kabilang lane at nasalpok ang paparating na tricycle.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa kostudiya ng pulisya si Rodriguez. (Lyka Manalo)