Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

4:30 n.h. -- Rain or Shine vs Talk N Text

6:45 n.h. -- Ginebra vs Meralco

Marcio Lassiter PBA record holder na; Beermen itinumba ang Ginebra

MAKALAPIT sa inaasam na top 2 spot ang tatargetin ng crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel sa muli nilang pagsalang ngayong gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA Commissioners Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nakapagtala ng back-to-back kasunod ng huling panalo laban sa Blackwater noong nakaraang Biyernes sa Alonte Sports Arena sa Bińan, Laguna, 96-82, inangkin ng Kings ang ikalawang puwesto sa pag-angat sa markang 7-2.

Ganap na 6:45 ng gabi, tatangkain nilang sumalo sa namumunong Star Hotshots (8-2) sa pagsagupa nila sa Meralco (7-3) na nagnanais namang makabalik sa win column matapos malaglag sa pagiging lider kasunod ng natamong ikatlong kabiguan sa kamay ng Hotshots nitong Miyerkules .

Gaya ng dati, sasandigan ng Kings ang import na si Justin Brownlee na muling namuno sa koponan sa itinala nitong 35-puntos, 14-rebound, limang assist at tig -isang steal at block sa nakaraang panalo nila kontra Elite.

Mauuna rito, gaya ng kasalo nila sa kasalukuyan sa ikatlong puwesto na Meralco Bolts, tatangkain ng Talk N Text na makabalik ng winning track upang patuloy na buhayin ang tsansa sa target na top two spots para sa insentibong twice -to-beat sa playoff. (Marivic Awitan)