MAGBABALIK aksiyon si two-time world title contender Michael Farenas sa pagsabak kay Mexican welterweight Oscar Mora sa Fight Club OC Show sa The Hangar, OC Fair & Event Center sa Hunyo 1 sa Costa Mesa, California.

Ito ang unang pagsabak ni Farenas matapos ang 16 na buwang bakasyon sa boksing taglay pa rin ang magandang kartada na 41-5-4 na may 33 panalo sa knockout.

Tubong Mexicali, Baja California, Mexico ang 25-anyos na si Mora na may pitong panalo,tampok ang anim na knockout at tatlong talo.

Kilala naman sa bansag na “Hammer Fist” si Farenas na nabigo sa world title bouts nang tumabla kina dating WBA super featherweight champion Takashi Uichiyama ng Japan at natalo sa puntos kay Cuban Yuriorkis Gamboa para sa bakanteng WBA junior lightweight title kapwa noong 2012. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!