Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa Basilan nitong Huwebes.

Kinilala ang mga napatay na bandido na sina Nasirin Awwalin at Hasmin Lajid.

Samantala, tatlong tauhan naman ng BPAT ang nasugatan at kaagad na binigyang-lunas sa ospital.

Nabatid na inabot ng dalawang oras ang bakbakan ng Abu Sayyaf at ng BPAT sa Barangay Guinanta sa Albarka, Basilan, bandang 12:50 ng tanghali nutong Huwebes. (Francis T. Wakefield)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog