CAPAS, Tarlac - Aksidenteng napatay sa saksak ng isang ina ang sarili niyang anak upang depensahan ang sarili makaraan silang magtalo at sugurin siya nito sa Perez Compound, Barangay Cut-Cut 2nd, Capas, Tarlac.

Kinilala ni PO1 Eriicson Bauzon ang nasawi na si Renato Bagtas, Jr., 26, habang ang suspek naman ay ang ina nitong si Virginia Bagtas, 41, kapwa residente sa nasabing barangay.

Nauna rito, lasing na dumating sa bahay si Renato kasama ang nobya nito at pinagsabihan umano ng ina ang anak ng hindi magagandang bagay.

Nagalit si Renato at sinugod ang ina subalit nakadampot ang huli ng matalas na jungle knife at pinagsasaksak sa dibdib ang anak, na hindi na umabot nang buhay sa Ospital Ning Capas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inihahanda na ang kasong parricide laban sa ina. (Leandro Alborote)