Dumarami ang mga undocumented overseas Filipino worker (OFW) na napauwi matapos makakuha ng exit visa sa 90-day amnesty program ng Kingdom of Saudi Arabia na magtatapos sa Hunyo 29, 2017.

“Sa ngayon, pumapalo na sa mahigit 1,000 ang mga nakauwing OFWs at mayroon pang mga 2,000 na nabigyan na rin ng exit visa. Mayroon pa tayong ine-expect na 4,000 hanggang 5,000 amnesty availees hanggang sa Hunyo 29 o sa loob pa ng kalahating buwan,” pahayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.

Ang mga napauwing OFW ay makatatanggap ng kabuhayan starter kit na umaabot ng P20,000 sa ilalim ng Balik-Pinas!

Balik-Hanapbuhay! Program ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO), P5,000 cash assistance mula sa DOLE-OWWA.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ang mga babaeng may anak ay bibigyan ng P5,000 cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Mina Navarro)