TANDAG CITY – Makalipas ang anim na araw na pagkakabihag, pinalaya na nitong Lunes ng New People’s Army (NPA) ang dinukot nitong tauhan ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Palo Cinco, Barangay Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur.

Kinilala ang pinalayang CAFGU member na si Jeremias E. Estrada, kasapi ng Matho Patrol Base, sa Bgy. Matho sa bayan ng Cortes.

Pinalaya si Estrada ng guerilla-Front Committee 30 ng NPA Northeastern Mindanao Regional Committee sa ilang lokal na opisyal, sa pangunguna ni Tandag City Mayor Alexander Pimentel, at mga mamamahayag bandang 1:30 ng hapon sa Tandag City, bago siya ibinalik sa mga kaanak.

Bandang 7:00 ng umaga nitong Mayo 17 nang dukutin ng NPA si Estrada mula sa kanyang bahay sa Purok Lansones, Bgy. San Agustin Norte, Tandag City. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente