gege copy

SINGAPORE – Nalugmok man sa kabiguang natamo, determinado at puno ng kumpiyansa si Geje “Gravity” Eustaquio sa pagbabalik sa ONE Championship cage para sa ONE:Dynasty of Heroes sa Biyernes (Mayo 26) sa 12,000-seater Singapore Indoor Stadium sa Kallang.

Haharapin ng Team Lakay member ang karibal na si Anatpong “Mak” Bunrad ng Thailand.

Unang nakaharap ng 28-anyos na pambato ng Baguio Citysi Bunrad sa ONE: Valor of Champions nitong Abril kung saan naungusan si Eustaquio sa manipis na split decision.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nabigo rin ang Pinoy sa kanyang huling laban nitong Disyembre kontra Toni Tauru ng Finland. Sa kabila nito, tiwala siyang maiuuwi ang tagumpay sa pagkakataong ito.

“My first fight against him served as a big lesson. It’s my duty to learn from my mistakes and improve to become a better martial artist. I know what I am capable of. I can’t wait to showcase my talent this coming May 26,” pahayag ni Eustaquio.

“Singapore, be ready. I am bringing the fireworks to you,” aniya.

“There is always a room for improvement. I sensed the urgency to improve my skills and arsenal further after the fight against Toni Tauru. This time, we enhanced timing and precision. We added speed as well as proper executions of game plan.”

Inaasahan ni Eustaquio na mabigat ang hamon ni Bunrad, ngunit napaghadaan na umano niya ito ng husto.

“My ground game is coming. My wrestling is coming. I believe if you’re going to compare it with others, it’s not very low in terms of performance in wrestling or grappling,” aniya.

“Honestly speaking, I am not that far behind.”

Iginiit ni Team Lakay head coach Mark Sangiao na malakas at mas madiskarte si Eustaquio kay Bunrad.

“Skills wise, I’ve seen an improved and better Geje, as compared to two years ago when the two fighters met. So this is going to be a good fight the fans would love to see,” sambit ni Sangiao.